Poetry

“Kung Pwede Lang: Ang Sarap Ulit Maging Bata”

Nagising ako sa hiyaw ng mga bata sa aking paligid.

“Tagu taguan maliwanag ang buwan” ang siyang aking dinig.

Kaya ako’y napatayo at aking sinilip- mga batang lansangang naglalaro ng taguan.

Tawa dito, tawa doon- masayang mga tawa ang bumalot sa aking paligid.

Tunay nga na napakabilis ng panahon na parang kailan lang noong tayo’y musmos pa lamang.

Mga panahong walang ibang iniisip kundi ang maglaro ng bahay bahayan.

Takbo dito, takbo doon, takbo buong maghapon kahit magulang man ay magalit.

Mga panahong inosente sa lahat at mga problema’y di alintana.

Panahong, bagong tsinelas na sinira ng kalaro ang siyang iniiyakan.

Ngayon, kasintahan na ika’y sinaktan!

Naalala mo pa ba nung panahong barbie lang ang siyang pinaglalaruan?

Ngayon, ikaw na ang nais paglaruan!

Panahong, umaasa sa luto at pasalubong ni nanay.

Ngayon, ikaw na ang siyang pinapaasa!

Dati, tumbang preso at luksong baka ang siyang libangan.

Di tulad ngayon, ikaw na ang ginagawang libangan!

Kay sarap balik-balikan yung mga ala alang iniwan sa bawat sulok ng ating palaruan!

Kay ganda lang isipin kung gaano tayo kasaya noon- yung isa sa pinaka masayang yugto ng ating pagkatao.

Nakakalungkot lang na sa paglipas ng panahon, unti unting nagbabago ang dating nakasanayan!

Ang dating tahimik at simpleng buhay noon, ngayon- kasing gulo na ng ating kasalukuyan!

Kaya ako’y napaisip, kung may time machine at kung pwede lang, ang sarap ulit maging bata!

Thank you for reading!

Till then,

AL_Yolly ❣️

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s