And EVERYTHING ELSE

“Blog Anniversary: Kwento ng Aking Blog”

Alam niyo ba, sa tinagal tagal ko ng nagbloblog, ngayon ko lang naisipan na magbahagi kahit kapirasong kasaysayan kung paano nga ba at bakit nabuo ang blog na ito. Alam ko naman na wala kayong pakialam pero gusto ko parin isulat.. bakit ba!? HAHADala na rin siguro ng kabagalan ng oras sa lugar na kinalalagyan ko. Wala akong ibang maisip kundi ang magsulat habang hinihintay ang dapithapon.

So paano nga ba nag umpisa ang lahat?

Sa totoo lang, hindi ko na matandaan kung bakit ko naisipan na gumawa ng blog. Pero siguro dahil sa mahilig akong magbasa at magsulat ng kung ano ano. Hindi ako mahilig magkwento ng mga nangyayari sa buhay ko at lalong lalo na wala akong lakas ng loob sabihin kung ano man ang nararamdaman ko. Kaya ang tanging sandigan ko noon ay ang pagsusulat. Dito ko nilalabas ang aking kinikimkim na saloobin hanggang sa ginawa ko na itong libangan.

Isang kwaderno ang meron ako noon para sa aking mga kwento. Sa pagkakatanda ko, sinabihan ako ng aking kaibigan na bakit di nalang daw ako gumawa ng blog total mahilig nga akong magsulat. Ganun na nga, ginugol ko ang aking libreng oras sa pananaliksik tungkol sa paggawa ng blog. Sabi nga nila, kung talagang interesado ka sa isang bagay, gagawin at gagawin mo ang lahat.

Hanggang ito na nga, nabuo na itong aking websayt. Kung tatanungin niyo, bakit Promdi? Ang Promdi ay isang salitang balbal na ang ibig sabihin ay Probinsyano/Probinsyana kaya naging Writings of a Promdi Girl dahil isa akong Probinsyana.

Isa pa sigurong dahilan ay nung mga panahon na lugmok na lugmok ako na kung saan wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa ng mga artikulo tungkol sa pag-ibig. Nag umpisa sa wattpad hanggang sa napunta kay Colleen Hoover. Hanggang sa naisipan kong magpalit ng aking dyanra kaya ko nakilala si John Grisham at umabot kay Stephen King. Iba’t ibang manunulat ang aking inidolo. Sila ang naging inspirasyon ko kaya ko naisipang gawin ang blog na ito sapagkat gusto ko ring mahasa ang talentong meron ako.

At kung meron man akong natutunan sa pagsusulat, ito ay ang maging malaya sa lahat na hindi ko iniisip kung ano man ang sasabihin ng iba- wala kayong pakialam dahil kwento ko ‘to! Masasabi kong sa pamamagitan ng pagsusulat ay nakilala ko ng husto ang aking sarili. Na kung saan, may kakayahan pala akong gawin ang mga bagay na sa tingin ko’y hindi ko kaya.

Oo, hindi naging madali ang lahat dahil ang hirap mag-isip ng iba’t ibang ideya. Pero dahil talagang decidido ako, unti unti ko na itong nakasanayan.

Mahirap magsimula at mahirap magsulat ng isang magandang kwento lalo na kung walang gagabay sa’yo. Pero paubos man ang tinta ng aking bolpen at papel, nais kong gamitin ang natitira sa mga bagay na nararapat at dapat matuklasan. Sige at ako’y magsusulat na at tuluyan kong ihahayag ang laman ng aking puso’t isipan.

Hanggang sa muli,

Al_Yolly 💞

Advertisements

One thought on ““Blog Anniversary: Kwento ng Aking Blog”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s