Marunong akong magsulat kaya ko rin tumula. Pero ang nawala sa’kin ay yung mga salita- salitang pwede kong ilarawan ang aking nararamdaman.
Pero sige, pipilitin kong isulat ang lahat.
Nandito ako ngayon, nakaupo sa aming bahay- hindi makatulog.
Wala rin akong makausap dahil himbing na ang lahat.
Walang may alam kung gaano kagulo ang bawat sitwasyon sa aking isip.
Walang nakakaintindi, walang nakakabatid.
Isang araw, aking napagtanto.. ano ba ‘tong nangyayari.. lagi nalang sakit!
Hindi ko lubos maisip ang ‘yong nais.
Diba nga’t sinabi ko na ikaw lang at wala ng iba?
Paulit ulit ko yan pinatunayan pero bakit ganyan ang ‘yong pag-iisip?
Sa loob ng ilang taon..hindi pa ba sapat?
Ni tiwala…bakit wala ka?
Ako’y napaisip, takot ka nga ba na baka ako’y mawala? O baka hindi mo lang makalimutan ang ‘yong kasalanan!?
Kasalanan mong pilit kong sinantabi at pilit kong tinanggap.
Ilang araw, buwan, taon ang nakalipas..ika’y napatawad.
Ngunit bakit binabalik mo sa’kin ang ‘yong nagawa!?
Wala kang pruweba! Wala kang ebidensya!
Kulang nalang..ako’y magmakaawa.
Alam ng Diyos kung gaano ako katapat! Wala! Wala! Puro ka nalang hinala!
Nakakasakal ka na…alam mo ba?
Gusto kong magalit! Gusto kong umiyak!.
Gusto ko nang magising sa inaakala kong paraiso na ‘yong dala- paraisong ang nadarama’y puro lamang saya.
Sa mahigit limang taon wala akong itinago.
Ikaw ang nakakaalam ng aking kasiyahan, ng aking kalungkutan at ng aking kasawian maging ang aking kabaliwan.
Kaya ako’y nagtataka bakit ganyan ka?
Masakit marinig ang ‘yong katagang wala kang tiwala- tiwalang binigay ko sa’yo ngunit iyong sinira.
Kung anong kasalanan ang ‘yong nagawa’y hindi ko yun kaya!
Diba nga’t sa kabila ng lahat minahal kita ng buo?
Pagmamahal na lubos lubos at walang duda.
Dapat nga magpasalamat ka, sapagkat minahal parin kita kahit hindi ka karapatdapat!
Ano pa bang kulang? Ano pa bang kailangan gawin upang tumigil ka sa iyong pagdududa?
Nakakainis dahil sobra na ang sakit- sakit na dulot ng ‘yong sobrang pagmamahal.
Uulitin ko, nakakasakal ka na sa simpleng salita!
Mahaba ang aking pasensya pero hindi mahabang mahaba.
Nakakasawa na! nakakapanlumo!
Masakit man sabihin pero ayoko na.
Pagbabago sa puso’y di na maitatanggi.
Pati ang mga tao sa paligid ko’y humusga.
Marahil tama nga sila.. na ang ikaw at ako’y kailangan ng pahinga.
At sa gayon ay ating mapagtanto, kung tayo nga ang siyang itinakda.
Mahal kita at paulit ulit ko yan patutunayan.
Subalit, gusto ko mang magpatuloy- hindi na mapipigilan pa.
Ayoko na…tama na- ang puso ko ay sumuko na.
Thank you for reading.
Till then,
Al_Yolly 💞